Xi Jinping, ginawaran si Nguyen Phu Trong ng friendship medal ng Tsina

2022-11-01 11:17:50  CMG
Share with:

Ginawaran kahapon, Oktubre 31, 2022 ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulong Tsino, si Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV), ng Friendship Medal ng Tsina.


Ang seremonya ng paggawad ay idinaos sa Great Hall of the People sa Beijing.


Tinukoy ni Xi na sa ilalim ng pagsisikap ni Nguyen, naging mas matatag ang tradisyonal na pagkakaibigan sa pagitan ng CPC at CPV at dalawang bansa, lumalalim nang lumalalim ang aktwual na kooperasyon ng dalawang bansa. Kaya aniya ang friendship medal ay nagpapakita ng mapagkaibigang damdamin ng CPC at mamamayang Tsino kay Nguyen at sa mga mamamayang Biyetnames.


Ikinagagalak ni Nguyen ang pagtanggap sa friendship medal. Sinabi niyang patuloy at buong sikap niyang pasusulungin ang mapagkaibigang relasyon ng dalawang panig para magkasamang likhain ang mas magandang kinabukasan ng dalawang bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Mac