Nag-usap kahapon, Oktubre 31, 2022 sa Beijing sina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulong Tsino, at Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV).
Buong pagkakaisang ipinahayag ng dalawang panig na dapat patatagin ang tradisyonal na pagkakaibigan, pahigpitin ang estratehikong pag-uugnayan, palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal, at maayos na hawakan ang mga hidwaan.
Mainit na tinanggap ni Xi ang pagdalaw ni Nguyen sa Tsina pagkatapos ng ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC.
Kaugnay ng relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap, tinukoy ni Xi na dapat pahigpitin ng liderato ng dalawang partido ang pag-uugnayan para agarang magpalitan ng mga palagay hinggil sa mga mahalagang isyu sa bilateral na relasyon ng dalawang basna.
Sinabi pa ni Xi na nakahanda ang Tsina na itayo, kasama ng Biyetnem, ang matatag na supply chain at industrial chain, himukin ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa Biyetnam, at palalimin ang kooperasyon ng dalawang panig sa kalusugan, digital economy, green development at pagbabago ng klima.
Idiniin ni Xi na pinahalagahan ng Tsina ang papel at katayuan ng Biyetnam sa Association of Southeast Nations (ASEAN). Nakahanda aniya ang Tsina na igiit, kasama ng ASEAN, ang tunay na multilateralismo at bukas na rehiyonalismo para magkasamang pasulungin ang pag-unlad ng kalagayang panrehiyon at kaayusang pandaigdig tungo sa matatag, mapayapa, makatarungan at makatwirang direksyon.
Bumati si Nguyen sa pagkahalal ni Xi Jinping bilang Pangkalahatang Kalihim ng CPC.
Ipinahayag niya ang pagsang-ayon sa mga mungkahi ni Xi hinggil sa pag-unlad ng dalawang partido at dalawang bansa.
Sinabi ni Nguyen na ang pagpapaunlad ng mapagkaibigang kooperasyon sa Tsina ay inilagay ng kanyang bansa sa unang puwesto ng diplomasya.
Ipinahayag din niyang matatag na iginiit ng Biyetnam ang patakarang isang Tsina at tinutulan ang anumang paraan ng aktibidad para sa pagsasarili ng Taiwan.
Sinabi pa niyang hinding hindi pinahihintulutan ng Biyetnam ang pagtatatag ng anumang bansa ng base militar sa teritoryo ng Biyetnam at hindi ito sumali sa anumang kuwalisyong militar.
Pagkatapos ng pag-uusap, naging saksi sina Xi at Nguyen sa paglagda ng dalawang panig sa mga kasunduan ng kooperasyon sa mga larangan na gaya ng partido, kabuhayan, kalakalan, pangangalaga sa kapaligiran, turismo, kultura, legal na kinasasakupan, adwana at mga pamahalaang lokal.
Salin: Ernest
Pulido: Mac