Sa kanyang talumpati nitong Nobyembre 2, 2022, sa United Nations Security Council (UNSC), ipinahayag ni Geng Shuang, Pangalawang Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN, na patuloy na susuportahan ng Tsina ang gawain ng United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR).
Si Geng Shuang, Pangalawang Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN (file photo)
Nanawagan siya sa komunidad ng daigdig na lipulin ang yaman para tiyak na mapangalagaan ang bawat refugee.
Tinanggap ng mga umuunlad na bansa ang 83% na refugees ng buong mundo, at dapat aktuwal na ipatupad ng mga maunlad na bansa ang pangako nila na tulungan ang mga umuunlad na bansa sa pagbabawas ng presyur, saad ni Geng.
Inilahad din ni Geng ang paninindigang Tsino hinggil sa refugees na dulot ng krisis ng Ukraine, isyu ng Palestina, krisis ng Syria, digmaan sa Afghanistan at iba pang isyu.
Binigyan-diin niyang ang Aprika ay kontinente na may pinakamalubhang problema ng refugees. Nanawagan ang Tsina sa UNHCR na patuloy na gawing priyoridad ang Aprika.
Salin:Sarah
Pulido:Mac