Dumalaw sa Singapore mula Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 2, 2022, si Pangalawang Premiyer Han Zheng ng Tsina.
Sa pakikipagtagpo sa mga lider ng Singapore, sinabi ni Han na sa kasalukuyan, mainam ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Singapore. Aniya, hindi lamang nakakatulong ito sa pag-unlad ng kapuwang dalawang panig, kundi rin nagbibigay ng ambag para sa pag-unlad ng rehiyon at buong daigdig.
Nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng Singapore, para palalimin ang kooperasyon ng dalawang bansa at pasulungin ang pagpapalitan ng usapin ng modernisasyon ng kapuwang Tsina at Singapore, saad ni Han.
Bukod dito, magkasamang nangulo nitong Nobyembre 1, sina Han Zheng at Heng Swee Keat, Pangalawang Punong Ministro ng Singapore, sa pulong ng mekanismo ng bilateral na kooperasyon ng Tsina at Singapore.
Sa pulong, nagpalitan ang dalawang panig ng kuru-kuro hinggil sa kalagayan ng proseso ng aktuwal na kooperasyon ng Tsina at Singapore, “Belt and Road Initiative (BRI),” kabuhayan at kalakalan, sustenableng pag-unlad, inobasyon, pinansyo, pampublikong kalusugan, pagpapalitang kultural at iba pang tema, at inilatag ang plano ng kooperasyon ng dalawang panig sa susunod na yugto.
Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang panig na lalo pang palalalimin ang pag-uugnay ng estratehiya ng pag-unlad, at palalakasin ang kooperasyon nila sa iba’t ibang larangan para sa dekalidad na pag-unlad.
Pagkatapos ng pulong, magkasamang inilabas nina Han Zheng at Heng Swee Keat ang 19 na bungang narating ng dalawang panig sa berdeng pag-unlad, digital na ekonomiya, koneksyon at iba pang larangan.
Salin:Sarah
Pulido:Mac