Tsina at Singapore, pananatilihin ang mainam na tunguhin ng tuluy-tuloy na pag-unlad ng relasyon

2022-06-11 17:53:49  CMG
Share with:

 

Nagtagpo kahapon, Hunyo 10, 2022, sa Singapore, sina Wei Fenghe, Kasangguni ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, at Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore.

 

Ipinahayag ni Lee ang pag-asang palalakasin ng Singapore at Tsina ang pragmatikong kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, at paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Kailangang panatilihin ng dalawang bansa ang mainam na tunguhin ng tuluy-tuloy na pag-unlad ng bilateral na relasyon, dagdag niya.

 

Sinabi rin ni Lee, na sa harap ng malaking pagbabago sa kalagayan ng daigdig at rehiyong Asya-Pasipiko, dapat pasulungin ng lahat ng mga bansa sa rehiyong ito ang pag-uugnayan at palakasin ang pagtitiwalaan.

 

Sinabi naman ni Wei, na kailangang palalimin ng Tsina at Singapore ang estratehikong pagtitiwalaan, palakasin ang integrasyon ng mga kapakanan, at suportahan ang isa’t isa sa mga isyung may kinalaman sa kani-kanilang mga nukleong interes.

 

Nanawagan din siya sa dalawang bansa na magbigay ng mas maraming positibong elemento sa rehiyonal na kapayapaan at katatagan.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos