ConGen Ignacio: Umaasang mag magiging masigla ang kalakalang Pilipino-Sino sa 2023

2022-11-04 20:05:41  CMG
Share with:


“Sana magbubukas ang pinto ng mabungang kooperasyon, cross-border na kalakalan at business-to-business engagement sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa  taong 2023.”

 

Ipinahayag ito nitong Nobyembre 4, 2022 ni Josel F. Ignacio, Consul General ng Consulate General ng Pilipinas sa  Shanghai, sa China-Philippines Trade and Investment Cooperation Seminar na nilahukan ng economic team ng Pilipinas sa Chinese mainland  at mga kinatawan mula sa China Council for Promotion of International Trade-Shanghai Pudong Sub-Council (CCPIT).

 


Ani Consul General Ignacio, ang Tsina ay lumikha ng makasaysayang pagbabago at naging isang napaka-masaganang lipunan at  isang upper-middle-income na bansa. At ang Pilipinas ay isa sa mga pamilihang may pinakamabilis na paglaki sa buong mundo. Ang Tsina at Pilipinas ay parehong global growth generators (3G). Ang magandang relasyong pangkalakalan at pamumuhunan ng Pilipinas at Tsina ay makakabuti sa pag-unlad at kasaganaan ng magkabilang panig o sa  terminong Tsino, ito ay isang win-win situation at meron dalawang bansa may shared future.

 

Salamat sa malusog at masiglang relasyong ekonomiko ng dalawang bansa, ang Tsina ay naging pinakamalaking trading partner ng Pilipinas sa loob ng maraming taon. Ang seminar na ito ay para patatagin ang relasyong ito at lumikha ng bagong pundasyon at pag-uugnayan para maging mas malaki, mas malawak at mas masigla na relasyon, dagdag pa ni Ignacio.

 

Sinabi naman ni Anthony Qiu, Pangalawang Presidente ng CCPIT na ang Pilipinas ay isang magandang bansang may malaking potensiyal ng negosyo. Sa mula’t mula pa’y, nagsisikap ang CCPIT na magserbisyo sa mga kompanya mula sa loob at labas ng Tsina at ginawa ang plataporma ng kalakalan at pamumuhunan. Sa tulong ng mga ito inaasahang maipagkakaloob ang mas maraming pagkakataon ng komunikasyon sa pagitan ng mga kompanya ng Tsina at Pilipinas.

 

Pagkatapos nito, inilahad ni Commercial Counselor Emmanuel N. Ang ng Embahada ng Pilipinas sa Tsina ang isang overview tungkol sa kalagayan ng pamumuhunan sa Pilipinas, mga insentibo sa pananalapi para sa mga mamumuhunan, industriya ng serbisyo at iba pa.

Ibinahagi naman ni Agriculture Counselor Ana Abejuela   ang hinggil sa mga pagkakataon ng pamumuhunan sa aspekto ng agrikultura.

 

Samantala, nagmula naman kay Commercial Consul Mario C. Tani ng PTIC-Shanghai ang  mga detalye ng paghahanda sa pagsali ng Pilipinas sa gaganaping China International Import Expo (CIIE).

 

Nagkaroon din ng pagkakataong sagutin ng mga miyembro ng economic team ng Pilipinas ang mga tanong mula sa  mga miyembro ng CCPIT na tulad ng production capacity ng coconut charcoal, pagpapalitan ng client resources sa port service, pagmimina at iba pa.

 

May GDP na 1.45 trilyong Yuan RMB o 228.3 bilyong US$ kada quarter, ang distritong Pudong ay isang powerhouse sa  ekonomiya at pananalapi. Dito nakabase ang maraming world-class na business parks at ang Shanghai Pilot Free Trade Zone.


Reporter: Sissi


Pulido: Mac