Preparasyon para sa Ika-5 CIIE, maayos ang takbo

2022-11-02 16:08:25  CMG
Share with:

 

Ayon sa news briefing para sa Ika-5 China International Import Expo (CIIE) na idinaos Martes, Nobyembre 1, 2022, maayos na isinasakatuparan ng mga may kinalamang departamento ng Tsina ang mga tadhana upang mapadali ang paglahok ng mga tauhan at bahay-kalakal sa nasabing eskpo.

 

Para rito, itinatag ng adwana ng Tsina ang regular na organo para ipagkaloob ang mas madali’t maayos na serbisyo, at episyenteng pangangasiwa na gaya ng paperless, digital at intelligent processing.

 

Bukod diyan, binuksan din ng departamento ng pamahalaang Tsino sa pangangasiwa at pagsusuperbisa sa pamilihan ang espesyal na linya para iksian ang oras ng pag-i-isyu ng mga sertipikasyon sa mga produktong ilalahok sa ekspo.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio