Inanunsyo kamakailan ng pamahalaan ng India ang pagsasaayos sa patakaran sa pagluluwas ng asukal, kung saan binibigyang-pahintulot ang pagluluwas ng 6 na milyong toneladang asukal bago mag-Mayo 31, 2023, ayon sa kota.
Sa kasalukuyan, ang India ang siyang pinakamalaking bansang nagpoprodyus ng asukal at ika-2 pinakamalaking bansang nagluluwas ng asukal sa daigdig.
Dahil sa sagupaan sa pagitan ng Rusya at Ukraine, tuluy-tuloy na tumataas ang presyo ng pagkaing-butil sa buong mundo.
Upang maharap ang kakulangan ng suplay at pagtaas ng presyo sa loob ng bansa, sunud-sunod na inilabas ng ilang malalaking bansa sa produktong agrikultural ang mga limitasyon sa pagluluwas ng produkto.
Salin: Vera
Pulido: Rhio