Tsina, handa na palalimin ang kooperasyon ng 10+3 para sa mas magandang kinabukasan ng Silangang Asya

2022-11-13 11:07:41  CMG
Share with:


Phnom Penh — Dumalo nitong Nobyembre 12 (local time), 2022 si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Ika-25 Summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Tsina, Hapon, at Timog Korea (10+3).

 

Ipinahayag ni Li na ang rehiyong Silangang Asya ay mahalagang puwersang tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig, at ang 10+3 ay pangunahing tsanel ng kooperasyon ng Silangang Asya.

 

Aniya, nitong 25 taong nakalipas sapul nang pasimulan ang kooperasyon ng Silangang Asya, bunga ng pangkalahatang kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito, mabilis na umuunlad at sustenableng sumusulong ang kooperasyong ito, bagay na hindi lamang nakakapagpasigla sa pag-unlad ng kanilang sariling bansa, kundi nangangalaga sa kaligtasan ng pinansya at pagkaing-butil sa rehiyong ito.

 

Sa harap ng masalimuot at nagbabagong situwasyong panrehiyon at pandaigdig, dapat aniyang magsikap ang mga bansang 10+3 para mapangalagaan ang kapayapaan, katatagan, kaunlaran, at kasaganaang panrehiyon at pandaigdig, at makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa kanilang mga mamamayan.

 

Diin ng premyer Tsino, patuloy na igigiit ng Tsina ang pundamental na patakaran ng pagbubukas sa labas. Nakahanda aniya ang Tsina na sa pamamagitan ng sariling pag-unlad, magkaloob ng bagong pagkakataon ng pag-unlad sa iba’t-ibang bansa.

 

Bukod pa riyan, nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng mga bansang 10+3 upang walang patid na mapalakas ang kanilang pagkakasundo at mapalalim ang pragmatikong kooperasyon para sa mas magandang kinabukasan ng Silangang Asya, aniya pa.

 

Ipinahayag naman ng mga kalahok na ang Tsina, Hapon, at Timog Korea ay pangunahing katuwang ng mga bansang ASEAN.

 

Dapat anilang palakasin ng iba’t-ibang panig ang pagkakaisa, palalimin ang kanilang kooperasyon sa mga larangang tulad ng agrikultura, konektibidad, digital economy, kaligtasan ng pinansya, pampublikong kalusugan, kapaligirang ekolohikal, pagpapalitang pangkultura, at sustenableng pag-unlad, at magkakasama at mabuting isagawa ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) upang mapangalagaan ang kaligtasan at katatagan ng industrial at supply chains at mapasulong ang integrasyong pangkabuhayan.