Premyer Tsino, nanawagan para sa mas mahigpit na relasyong Sino-ASEAN

2022-11-12 10:50:40  CMG
Share with:

 

Dumalo kahapon, Nobyembre 11, 2022, sa Phnom Penh, Kambodya, si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Ika-25 Summit ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

 

Sinabi ni Li, na ang Tsina at ASEAN ay komprehensibo at estratehikong magkatuwang na may pinagbabahaginang kinabukasan at magkasama sa hirap at ginhawa. Aniya, ang pagbubukas at pagtutulungan ay dapat maging pagpili ng dalawang panig, para magkasamang pagtagumpayan ang mga komong hamon.

 

Ipinahayag ni Li, na laging sinusuportahan ng Tsina ang pagbuo ng komunidad ng ASEAN, at ang sentralidad ng ASEAN sa kooperasyon sa Silangang Asya.

 

Para buuin ang mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at ASEAN, iniharap din ni Li ang ilang mungkahi, na gaya ng pagpapatupad ng plano ng aksyon para sa komprehensibo at estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, ibayo pang pag-u-upgrade ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, pagsasagawa ng plano ng paghubog ng mga digital talent para sa ASEAN, pagpapabilis ng pagtatayo ng China-ASEAN Public Health Research and Development Collaborating Center, at iba pa.

 

Kaugnay naman ng isyu ng South China Sea, binigyan ni Li ng mataas na pagtasa ang natamong progreso sa talastasan sa Code of Conduct (COC). Ipinahayag din niya ang kahandaan ng Tsina, kasama ng mga bansang ASEAN, na maayos na hawakan ang isyung ito, alinsunod sa mga pandaigdigang batas na kinabibilangan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at batay sa paggalang sa isa’t isa.

 


Binigyan naman ng mga lider ng mga bansang ASEAN ng mataas na papuri ang relasyon at kooperasyong ASEAN-Sino, at ipinahayag nila ang kahandaang ibayo pang gagalugarin ang nakatagong lakas ng kooperasyon ng dalawang panig.

 

Umaasa rin silang pasusulungin ang talastasan sa Code of Conduct sa South China Sea, para marating sa lalong madaling panahon ang isang epektibo at substantibong COC na maayon sa mga pandaigdigang batas.


Editor: Liu Kai