Xi Jinping, nasa Bali Island: pakikipagtagpo kay Joe Biden, inaasahan

2022-11-14 16:06:35  CMG
Share with:

Dumating ngayong hapon, Nobyembre 14, 2022 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Bali Denpasar Ngurah Rai International Airport ng Indonesya.

 

Inaasahang magtatagpo ngayong hapon sina Pangulong Xi at Pangulong Joe Biden ng Amerika.

 

Sa paanyaya ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesya, lalahok si Xi sa Ika-17 Summit ng mga Lider ng G20 na idaraos sa Bali Island.


 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio