Sa kanyang pakikipagtagpo Nobyembre 15, 2022, sa Bali Island, Indonesya kay Ministrong Panlabas Sergey Lavrov ng Rusya, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang pahayag na inilabas kamakailan ng Rusya hinggil sa pag-iwas sa digmaang nuklear ay “rasyonal at responsable.”
Ani Wang, sumusunod ang Tsina sa obdyektibo at makatuwirang paninindigan, at ginaganap ang konstruktibong papel tungo sa pagpapasulong ng mapayapang diyalogo.
Ipinahayag naman ni Lavrov na palagiang bukas ang Rusya sa talastasan at diyalogo.
Nakahanda aniya ang Rusya na i-angat sa mas mataas na antas ang pagpapalitang Ruso-Sino, at panatilihin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang panig.
Samantala, inihayag din ni Wang ang kahandaan ng panig Tsino na magsikap para panatilihin ang kooperasyon sa mataas na antas, isulong ang pagtutulungan sa iba’t ibang larangan, palalimin ang aktuwal na kooperasyon, at ipagkaloob ang ginhawa sa pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio