Jakarta-Bandung High-Speed Railway (JBHSR)
Tagumpay, Nobyembre 16, 2022, ang komprehensibong subok-operasyon ng Jakarta-Bandung High-Speed Railway (JBHSR), matapos dumaan ang isang tren sa seksyon ng pagsubok - mula istasyon ng Tegalluar patungo sa Casting Yard No.4.
Kasabay nito, isinagawa ng mga tagapamahala ang pagsusuri sa subgrade, track at sistema ng komunikasyon, signal, traction power supply, at iba pa.
Ayon sa resulta, lahat ng indikasyon at parametro sa seksyong sinuri ay lapat sa pamantayan ng pagkakadisenyo, at naglatag ng matatag na pundasyon sa mga susunod pang konstruksyon at pagsasa-operasyon ng nasabing riles.
Ang linyang ito ay isang landmark na proyektong iminungkahi ng Tsina sa ilalim ng “Belt and Road Initiative (BRI).”
Ito ang magkokonekta sa Jakarta, kabisera ng Indonesya, at Bandung, ikaapat na pinakamalaking lunsod ng bansa.
Sa pamamagitan ng idinisenyong bilis na 350 kilometro kada oras, paiikliin JBHSR ang biyahe mula Jakarta patungong Bandung mula mahigit 3 oras, sa mga 40 minutos na lamang.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio