Relasyong Sino-Hapones na angkop sa bagong panahon, itatatag

2022-11-18 17:12:37  CMG
Share with:

 

Sa kanyang pakikipagtagpo Nobyembre 17, 2022, sa Bangkok, Thailand, kay Punong Ministro Fumio Kishida ng Hapon, binigyan-diin ni Pangulong Xi Jining ng Tsina, na ang mahahalagang usaping kinabibilangan ng isyu ng kasaysayan at isyu ng Taiwan ay pundasyong pulitikal at paniniwala ng relasyong Sino-Hapones.

 

Aniya, kailangang maayos na hawakan ang mga usaping ito.

 

Dagdag ni Xi, hindi nakiki-alam ang Tsina sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, at hindi rin tatanggapin ng Tsina ang pakiki-alam ng ibang bansa sa mga suliraning panloob nito.

Sa isyung pandagat at teritoryal na di-pagkakasundo, dapat sundin ng Tsina at Hapon ang mga narating na komong palagay, at maayos na hawakan ang pagkakaiba sa pamamagitan ng karunungang pulitikal at responsibilidad, diin ni Xi.

 

Tinukoy rin niyang mataas na nagkokomplemento ang mga ekonomiya ng Tsina at Hapon, kaya nararapat palakasin ng dalawang bansa ang diyalogo at kooperasyon sa didyital na ekonomiya, berdeng pag-unlad, pinansya at pananalapi, pangangalaga sa kalusugan at pag-aaruga sa matatanda, pagpapanatili sa katatagan ng industrial at supply chain, at iba pa.

 

Samantala, ipinahayag naman ni Kishida ang kahandaan ng Hapon na magsikap, kasama ng Tsina, para isakatuparan ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Hapones-Sino.

 

Aniya, kaugnay ng isyu ng Taiwan, walang pagbabago sa pangako ng Hapon hinggil sa Magkasanib na Pahayag ng Hapon at Tsina.

 

Handa ang Hapon na palakasin ang diyalogo at koordinasyon sa Tsina para magkasamang tuntunin ang tumpak na landas ng relasyong Hapones-Sino.

Maliban diyan, sumang-ayon ang dalawang lider sa pagpapanatili ng pagpapalitan at diyalogo sa mataas na antas, patuloy na pagpapabuti ng pagtitiwalaang pulitikal, pagpapasulong sa aktuwal na kooperasyon, pagpapalawak sa pagpapalitang kultural, at pagpapalakas sa koordinasyon at kooperasyon hinggil sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, tungo sa pagkakaroon ng matatag at konstruktibong relasyong Sino-Hapones na angkop sa bagong panahon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio