Ipininid Nobyembre 20, 2022, sa Sharm el Sheikh, Ehipto, ang Ika-27 Sesyon ng Conference of the Parties (COP27) to the United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC).
Pinagtibay sa naturang kompenresya ang pagtatatag “Loss and Damage Fund,” mga resolusyon hinggil sa pagsasakatuparan ng UNFCCC, Kyoto Protocal, Paris Agreement at iba pa.
Samanatala, negatibo ang pakikitungo ng ilang maunlad na bansa sa pagkakaloob ng pondo at teknolohiya sa mga umuunlad na bansa.
Kaugnay nito, sinabi ni Zhao Yingmin, Puno ng delegasyong Tsino sa COP27 at Pangalawang Ministro ng Ekolohiya at Kapaligiran ng Tsina, na umaasa siyang isasagawa ng mauunlad na bansa ang mas maraming aktuwal na aksyon, at tumahak, kasama ng komunidad ng daigdig, sa landas tungo sa kinabukasan ng sustenableng pag-unlad.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio