Tsina, nanawagan sa mga maunlad na bansa na tupdin ang pangako sa pinansya ng klima

2022-11-09 16:18:59  CMG
Share with:

Sharm El-Sheikh, Ehipto—Sa Climate Implementation Summit ng Ika-27 Sesyon ng Conference of the Parties (COP27) ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC), inihayag Nobyembre 8, 2022 ni Xie Zhenhua, Epsesyal na Kinatawan ni Pangulong Xi Jinping at Espesyal na Sugo ng Tsina sa Pagbabago ng Klima, na sa lalong madaling panahon, kailangang tupdin ng mga maunlad na bansa ang pangakong magkakaloob ng USD$100 bilyon bilang climate finance, at isumite ang road map para sa pagdodoble ng adaptation fund.

 

Samantala, sinabi niyang laging aktibong hinaharap ng panig Tsino ang pagbabago ng klima, sa pamamagitan ng tuluy-tuloy at pragmatikong aksyon.

 

Ayon sa kapipinid na Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ibayo pang pinatibay ang determinasyon ng bansa sa pagtahak sa landas ng berdeng pag-unlad, dagdag niya.

 


Hinding hindi aniya yuyukod, at magbabago ang determinasyon at paninindigan ng Tsina sa pagpapatupad ng target at ekspektasyon sa carbon peak emission at carbon neutrality, at aktibong pagsali sa global climate governance.

 

Saad ni Xie, nakahanda ang Tsina, kasama ng iba’t ibang panig, na igiit ang multilateralismo, at magkakasamang buuin ang patas at makatarungang sistema ng global climate governance na may pagtutulungan at win-win na situwasyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio