FIFA World Cup Qatar 2022, binuksan

2022-11-21 16:35:25  CMG
Share with:

Binuksan Linggo, Nobyembre 20 ang FIFA World Cup Qatar 2022.

 


Ito ang kauna-unahang pagdaraos ng World Cup sa taglamig, sa hilagang hemisperyo.

 


Ginanap sa Al Bayt Stadium ang seremonya ng pagbubukas.

 


Ang disenyo ng naturang istadyum ay mula sa tolda ng mga nomad sa rehiyong Gulpo.

 


Sa ilalim ng tema ng pagbubuklud-buklod ng sangkatauhan, nais ng seremonya na pagbuklud-buklurin ang sangkatauhan sa iisang tolda, upang harapin ang mga komong hamon, tulad ng nakasaad sa islogan ng kasalukuyang World Cup na “Now is All.”

 

Tumagal ng 30 minuto ang seremonya ng pagbubukas.

 

Pagkatapos nito, idinaos ang unang paligsahan sa pagitan ng mga koponan ng Qatar at Ecuador.

 


Ito ang kauna-unahang World Cup sa kasaysayan, kung saan lumahok ang pambansang koponang lalaki ng Qatar.

 

Nanalo ang Ecuador sa iskor na 2:0.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin