Pangarap sa Putbol ni Caiwang Lazong

2022-06-22 15:29:18  CMG
Share with:

Si Caiwang Lazong ay isang 13 taong gulang na dalagitang apisyunado ng Putbol mula sa Medog County, Rehiyong Awtonomo ng Tibet ng Tsina.

 


Bukod dito, siya rin ay miyembro ng Sunshine Women’s Football Team ng nasabing county.

 


Sa pamamagitan ng video call, natupad kamakailan ang kanyang pangarap na maka-usap ang kanyang idolong si Zhang Linyan, miyembro ng pambansang koponanang pambabae ng Putbol ng Tsina.

 


Matatagpuan sa timog paanan ng Himalayas, ang Medog County ay tinatawag na “lihim na lugar.”

 

Dahil sa hadlang na malalaking bundok sa paligid at madalas na likas na kapahamakang gaya ng pagdausdos ng putik, napakahirap maglatag ng mga pambansang lansangan sa lokalidad.

 


Magkagayunman, mahilig pa rin sa Putbol ang mga lokal na residente.

 

Dahil sa pag-unlad sa teknolohiya, naitayo at naisa-operasyon noong 2013 ang Medog Highway na may kabuuang haba na 117 kilometro.

 

Dahil dito, sunud-sunod na nabuo ng mga elementarya at mataas na paaralan sa lokalidad ang mga koponan ng Putbol.

 


Noong 2020, itinatag ang unang istandardisadong 11-a-side soccer pitches.

 

Noong Setyembre 2021, itinayo naman ang Sunshine Women’s Football Team, at sumapi rito si Caiwang Lazong.

 

Napakasipag niya sa pag-e-ensayon, at pangarap niyang makalahok sa pambansang koponan ng Putbol balang araw.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio