Preview conference na “China on a New Journey,” idinaos sa Bangladesh

2022-11-21 16:15:35  CMG
Share with:


 


Isang preview conference ng multilingual na dokumentrayong tinaguriang “China on a New Journey” ang idinaos Nobyembre 18, 2022, sa Dhaka, kabisera ng Bangladesh.

 

Dumalo rito ang halos 100 panauhing kinabibilangan ni Li Jiming, Embahador ng Tsina sa nasabing bansa, mga namamahalang tauhan ng iba’t-ibang media sa Bangladesh, mga kinatawan ng mga oraganong Tsino sa ibayong dagat, at iba pa.

 

Pinanood ng mga dumalo ang promo video na “China on a New Journey” at iba pang dokumentrayo.

 

Ang “China on a New Journey” ay magkasamang iniprodyus ng China Media Group (CMG) at mga istasyon ng telebisyon ng 8 iba pang bansa.

 

Ipinakikita nito ang walang humpay na pagsisikap ng mga mamamayang Tsino sa proseso ng pagtatatag ng modernong bansa, at ang pandaigdigang katuturan ng bagong paglalakbay ng Tsina na nagsimula sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

 

Nauna rito, naipalabas na ang nasabing dokumentaryo sa iba’-ibang istasyon ng telebisyon sa Indiya, Kambodya, Thailand, Laos at iba pa.

 

Ang naturang komperensya ay itinaguyod ng Asian and African Languages Programming Center ng CMG at Embahadang Tsino sa Bangladesh. 


Salin:Sarah 

Pulido:Rhio