Sa kanyang mensaheng pambati, Nobyembre 21, 2022, sa Ika-16 na Pangkalahatang Komperensya at Ika-30 Pangkalahatang Pulong ng Pandaigdigang Akademiya ng Siyensiya para sa pag-unlad ng siyensiya sa mga umuunlad na bansa (TWAS), sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na malaki ang pagpapahalaga ng kanyang bansa sa pag-unlad ng pundamental na siyensiya, at nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng iba’t-ibang bansa sa daigdig na kinabibilangan ng mga umuunlad na bansa, para pabutihin ang pagbubukas, pagtitiwalaan, at kooperasyon sa internasyonal na komunidad ng siyensiya’t teknolohiya, upang magdulot ng benepisyo sa mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa sa pamamamagitan ng maunlad na pagsulong ng siyensiya.
Kasama ng iba’t-ibang bansa, nakahandang magsikap ang Tsina upang mag-ambag sa pagpapasulong ng Global Development Initiative, implementasyon ng United Nations 2030 Agenda for Sustainable Development, at pagtatayo ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, saad ni Xi.
Ang naturang aktibidad na ini-host ng TWAS at inorganisa ng Zhejiang University, ay nagbukas Nobyembre 21, 2022, sa lunsod Hangzhou, lalawigang Zhejiang sa dakong silangan ng Tsina.
Ito ay suportado rin ng China Association for Science and Technology at Chinese Academy of Sciences.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio