Makaraang masunog ang isang pagawaan sa Lalawigang Henan sa gitnang Tsina, hiniling ni Pangulong Xi Jinping ng bansa ang buong sikap na pagliligtas sa mga nasugatan.
Hinimok niya ang mga awtoridad na tulungan ang mga kapamilya ng mga biktima, imbestigahan ang sanhi ng aksidente, at panagutin sa batas ang mga may-kagagawan.
Diin ni Xi, dapat ipauna ang mga mamamayan at kani-kanilang buhay, suriin at iwasto ang iba’t ibang uri ng panganib at nakatagong panganib, at buong sikap na pigilan ang pagkaganap ng malulubha at malalaking aksidente.
Nasunog Lunes, Nobyembre 21, 2022 ang pagawaan ng isang kompanya sa lunsod ng Anyang, lalawigang Henan.
Tatlumpu’t walo (38) katao ang naitalang nasawi, at 2 iba pa ang nasugatan.
Bilang responde, agarang ipinadala ng mga kaukulang departamentong kinabibilangan ng Ministry of Emergency Management ang isang working group sa Henan, para patnubayan ang gawain ng pagliligtas.
Kasalukuyang sumusulong ang mga gawain ng pagliligtas, paggamot sa mga nasugatan, at imbestigasyon sa sanhi ng aksidente.
Salin: Vera
Pulido: Rhio