Bagong rocket na magdadala ng tao sa buwan, matatapos ng Tsina sa 2030

2022-11-23 16:20:56  CMG
Share with:



Haikou, lalawigang Hainan – Sa idinaraos na China Space Conference, inihayag ni Long Lehao, Punong Tagadisenyo ng Long March Carrier Rocket Series ng China Academy of Launch Vehicle Technology, na kasalukuyang ginagawa’t sinusubok ang bagong henerasyon ng sasakyang pangkalawakan na maghahatid ng mga astronaut sa Buwan, at ito’y matatapos sa taong 2030.

 

Bukod sa bagong rocket, sinabi naman ni Zhou Jianping, Punong Tagadisenyo ng Manned Space Program ng Tsina, na idinedebelop din ang isang bagong crewed capsule at lunar lander, na makakapagdala ng 3 astronaut sa orbita ng Buwan at maaaring magsakay ng 2 astronaut upang bumaba mismo sa Buwan.


Salin:Sarah

Pulido:Rhio