Nobyembre 3, 2022, Siem Reap, Kambodya - Sa kanyang talumpati sa Ika-9 na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Defense Ministers' Meeting-Plus (ADMM-Plus), sinabi ni Wei Fenghe, Kasangguni ng Estado at Ministro ng Tanggulang-bansa ng Tsina, na kinakaharap ngayon ng daigdig ang malalaking hamon sa kapayapaan at kaunlaran.
Kaya, ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan ay ang tamang pagpili kung saan nakasalalay ang kinabukasan ng daigdig.
Aniya, dapat magkaisa ang iba’t-ibang panig, para magkakasamang maitatag at mapangalagaan ang kaayusang panrehiyon na angkop sa kapakanan ng lahat.
Sinabi pa ni Wei na tiyak na gaganapin ng Tsina ang konstruktibong papel at ihahandog ang bagong pagkakataon tungo sa kapayapaan at kaunlaran para sa komong pag-usbong ng daigdig.
Nakahanda rin aniyang magsikap ang hukbong Tsino, kasama ng mga hukbo ng iba’t-ibang bansa, para magbigay ng ambag sa kapayapaan ng mundo.
Kaugnay ng kalagayan sa rehiyong Asya-Pasipiko, sinabi niyang kailangang pangalagaan ng mga departamentong pandepansa ng iba’t-ibang bansa ang sentral na katayuan ng ASEAN, isakatuparan ang Global Security Initiative, at isagawa ang aktuwal na kooperasyon, para magkakasamang mapangalagaan ang kaligtasan ng rehiyon.
Pinagtibay sa pulong ang magkasanib na deklarasyon hinggil sa pagpapalakas ng pagkakaisa at kooperasyon.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio