Shenzhou-15, ilulunsad

2022-11-29 16:57:05  CMG
Share with:

Inihayag kamakailan ng China Manned Space Agency (CMSA), na ilulunsad sa kalawakan, alas onse otso (11:08) ng gabi, Martes, Nobyembre 29, 2022 ang Shenzhou-15 manned mission ng bansa.

 

Tatlong taikonaut na kinabibilangan nina Fei Junlong, Deng Qingming at Zhang Lu ang mga tripulante ng misyong ito.


Tatlong taikonaut ng misyong ito ng Shenzhou-15

 

Ang misyon ng Shenzhou-15 ay pinal na hakbang sa pagtatatag ng space station ng Tsina, at inisyal na hakbang ng susunod na bagong yugto.

 

Bukod dito, isasagawa ng mga taikonaut ng Shenzhou-14 ang paglilipat ng responsibilidad sa mga taikonaut ng Shenzhou-15 habang nasa kalawakan.

 

Mga taikonaut ng Shenzhou-14

Sailn:Sarah

Pulido:Rhio