CMG Komentaryo: Shenzhou-14 taikonauts, natapos ang unang extravehicular activities

2022-09-02 14:34:21  CMG
Share with:

 

Ayon sa pahayag ng China Manned Space Agency (CMSA), natapos ngayong araw, Setyembre 2, 2022 nina Chen Dong at Liu Yang, dalawang taikonauts, ang kanilang unang extravehicular activities (EVAs) at bumalik na sa Wentian space station lab module.

 

Ang naturang EVAs ay tumagal nang halos 6 na oras. Sa tulong ni Cai Xuzhe, taikonaut na nasa loob ng lab module, natapos nina Chen Dong at Liu Yang ang mga aktibidad na gaya ng paglalatag ng extended pump set sa Wentian lab module, pagtataas ng panoramic camera ng lab module, at pagsubok sa kakayahan ng spacecraft sa nagsasariling paglilipat at pangkagipitang pagbalik.

 

Bukod dito, ang naturang EVAs ay nagsuri rin sa paggamit ng airlock cabin ng Wentian at mga kagamitang may kinalaman sa EVAs.


Salin: Ernest

Pulido: Mac