Tripulante ng Shenzhou-14, nakabalik na sa Mundo

2022-12-04 22:15:49  CMG
Share with:

 

Pagkatapos ng 6-buwang abalang-abalang gawain sa istasyong pangkalawakan ng Tsina, nakabalik na sa Mundo, Disyembre 4, 2022, ang tatlong taikonaut ng Shenzhou-14 spacecship, na sina Chen Dong, Liu Yang, at Cai Xuzhe.

 

Sakay ng re-entry capsule, matagumpay silang lumapag sa Dongfeng landing site sa Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia sa kahilagaan ng Tsina.

 

Pagkaraang makumpirma na nasa mabuting kalagayan ang naturang mga taikonaut, ipinatalastas ng pamahalaang Tsino ang tagumpay ng misyon ng Shenzhou-14.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan