Shenzhou-15, dumaong sa Istasyong Pangkalawakan ng Tsina: 6 na taikonaut, nasa istasyon

2022-11-30 15:26:57  CMG
Share with:

Inanunsyo, Nobyembre 30, 2022 ng China Manned Space Agency (CMSA) na makaraang mabilis at independiyenteng dumaong ang Shenzhou-15 sa Istasyong Pangkalawakan ng Tsina, pumasok sa Tianhe core module ang tatlong tripulante nito.

 


Dagdag ng CMSA, sa susunod ay isasagawa ng mga tripulante ng Shenzhou-14 at Shenzhou-15 ang kauna-unahang paghalili’t pagsasalin ng tungkulin habang nasa orbita.

 


Magkasama mananatili sa istasyong pangkalawakan ang 6 na taikonaut sa loob ng halos 5 araw, para kumpletuhin ang iba’t-ibang nakatakdang tungkulin at kaukulang gawain, dagdag ng CMSA.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio