Ipinagkakaloob ngayon ng Al Kharsaah Photovoltaic (PV) Power Station ang berdeng enerhiya sa FIFA World Cup Qatar 2022.
Ito ay istasyon ng enerhiya na gawa ng Tsina.
Kaugnay nito, inihayag Disyembre 5, 2022, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang naturang istasyon ay kauna-unahang non-fossil fuel na istasyon ng enerhiya sa Qatar, at mahalagang proyekto sa ilalim ng 2030 National Vision ng Qatar.

Pinatitingkad aniya nito ang mahalagang papel ng “carbon neutrality” sa World Cup.
Dagdag ni Mao, ang kooperasyong pang-enerhiya ay mahalagang bahagi ng kooperasyon ng Tsina at mga bansang Arabe, at mayroon itong napakalaking potensyal.
Nakahanda aniyang magsikap ang Tsina, kasama ng mga bansang Arabe, para mapalalim ang kooperasyon sa nasabing larangan upang magdulot ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng kapwa panig.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio