Kaligtasan ng mga taikonaut, iginarantiya ng higanteng parasyut

2022-12-06 18:07:48  CMG
Share with:

Kasabay ng pagbukas ng isang higanteng parasyut, tatlong taikonaut ng Shenzhou-14 spaceship ang matagumpay na lumapag, Disyembre 4, 2022, sa Dongfeng landing site, Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia sa kahilagaan ng Tsina.

 

Ang parasyut ay isa sa mga napakahalagang kagamitan upang igarantiya ang kaligtasan sa paglapag ng mga taikonaut na Tsino.

 

Dahil dito, nagkaroon ng deselerasyon ang mabilis na pagbulusok ng landing capsule, na siya namang naggarantiya sa kaligtasan ng mga taikonaut.

 


Salin:Sarah

Pulido:Rhio