Sa kanyang talumpati sa pamamagitan ng video, Disyembre 5, 2022, sa Ika-27 Regular na Pulong ng Premyer Tsino at Punong Ministro ng Rusya, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na bilang taunang regular na mekanismo, ang nasabing pagtatagpo ay gumaganap ng positibong papel sa pagbalangkas at pagpapasulong ng aktuwal na kooperasyon ng dalawang bansa, sa iba’t-ibang larangan.
Aniya pa, nakahanda ang Tsina na panatilihin ang mataas na antas na pakikipagpalitan sa Rusya; palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba’t-ibang larangan; palalimin ang komprehensibong estratehikong partnership para magkasamang mapangalagaan ang pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig; pangalagaan ang kapayapaan, katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng rehiyon at buong daigdig; at idulot ang mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng Tsina at Rusya.
Ipinahayag naman ni Punong Ministrong Mikhail Mishustin ng Rusya, na kasama ng Tsina, handa ang kanyang bansa upang lubos na patingkarin ang papel ng Regular na Pulong ng Premyer Tsino at Punong Ministro ng Rusya; palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga pangunahing larangang tulad ng kabuhayan at kalakalan; palalimin ang pagpapalitang kultural; pasulungin ang pagpapataas ng kalidad ng kooperasyon ng dalawang panig;at patibayin ang pagkakaibigan ng Tsina at Rusya.
Nakahanda ang Rusya na magsikap kasama ng Tsina para magkasamang harapin ang mga pandaigdigang hamon at pasulungin ang multipolar na pag-unlad ng buong mundo, saad ni Mishustin.
Positibong pinahalagahan ng dalawang lider ang mabisa at pragmatikong trabaho ng mga komisyon ng mekanismo ng kapuwa panig.
Dumalo rin sa pulong si Pangalawang Premyer Han Zheng ng Tsina.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio