Sa kanyang liham na pambati, Nobyembre 29, 2022 para sa Ika-4 na China-Russia Energy Business Forum, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang kooperasyon sa enerhiya ay mahalagang pundasyon ng pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Rusya, at positibong puwersa sa pangangalaga ng seguridad sa enerhiya ng mundo.
Handa aniya ang panig Tsino, kasama ng panig Ruso, na buuin ang mas mahigpit na kooperasyon sa enerhiya, pasulungin ang malinis at berdeng pag-unlad ng enerhiya, magkasamang pangalagaan ang pandaigdigang seguridad ng enerhiya at katatagan ng kadena ng industriya at suplay, at gawin ang bagong ambag para sa pangmalayuan, malusog at sustenableng pag-unlad ng pandaigdigang merkado ng enerhiya.
Nang araw ring iyon, ipinadala rin ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang liham na pambati sa nasabing porum.
Salin: Vera
Pulido: Rhio