Ang ika-9 ng Disyembre ay Pandaigdigang Araw ng Football.
Kasabay nito, natapos na kamakailan ang kalahati ng iskedyul ng laro sa FIFA World Cup 2022 na idinaraos sa Qatar.
Dahil sa paparating na quarter finals, mas nagiging kapana-panabik para sa mga manonood ang mga susunod na laban.
Kaugnay ng tanong na aling koponan kaya ang makakasungkit ng kampeonato sa 2022 FIFA World Cup? Siyempre, iba-iba ang sagot ng mga tagahanga.
Bilang ekstrang manlalaro sa koponang kani-kanyang sinusuportahan, bawat tagahanga ay mistulang tumatakbo rin sa football field habang ginaganap ang mga laro, at dahil sa kanilang mga palakpak at hiyaw, mas nagiging mainit ang mga ito.
Narito ang mga litrato ng mga tagahanga mula sa iba’t-ibang koponan.
Salin: Kulas
Pulido: Rhio/Jade