Ginanap Biyernes, Disyembre 9 (local time), 2022, sa Riyadh, Saudi Arabia, ang kauna-unahang China-Gulf Cooperation Council (GCC) Summit.
Bumigkas ng talumpati sa summit si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Sa summit, ipinasiya ng kapuwa panig na itatag at palakasin ang estratehikong partnership ng Tsina at mga bansang GCC. Ito ang mahalagang bunga ng summit na lumikha ng bagong yugto ng kooperasyon ng Tsina at mga bansang GCC.
Nitong nakaraang 10 taon, mabunga ang kooperasyon ng Tsina at GCC. Ang Tsina ay nananatiling pinakamalaking trade partner ng GCC nitong nakaraang maraming taon, nilagdaan ng Tsina at 6 na bansang GCC ang dokumentong pangkooperasyon ng magkakasamang pagtatatag ng “Belt and Road,” at masigla ang relasyon ng Tsina at mga bansang GCC.
Magulo ang kasalukuyang kalagayang pandaigdig. Ang nasabing kapasiyahan ng Tsina at GCC ay nakakapagbigay ng bagong pagkakataon ng pag-unlad hindi lamang sa kapwa panig, kundi sa buong mundo.
Ipinahayag din sa summit ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na patuloy na iaangkat ng Tsina ang mga crude oil mula sa mga bansang GCC, at palalawakin ang bolyum ng pag-aangkat ng natural gas.
Ani Xi, nakahanda ang Tsina na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa mga bansang GCC sa larangang panteknolohiya. Ang mga ito ay tiyak na magdudulot ng bagong puwersang tagapagpasulong para sa kabuhayan at lipunan ng Tsina at mga bansang GCC.
Salin:Sarah
Pulido:Lito