Iran, binatikos ang Australia na naki-alam sa mga suliraning panloob nito

2022-12-11 12:10:07  CMG
Share with:

Binatikos nitong Disyembre 10, 2022, ni Nasser Kanaani, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Iran, na ang ipinapataw na sangsyon ng Australia sa mga indibiduwal at institusyon ng Iran ay pakiki-alam sa mga suliraning panloob ng Iran.

 

Sinabi rin niyang ipinagkakaloob ng Australia ang sanctuary para sa mga anti-Iran na grupo ng terorista at separatista.

 

Noong madaling oras nang araw rin iyon, inanunsyo ng pamahalaan ng Australia ang pagpataw ng sangsyon sa 6 na Iranians, morality police ng Iran, at Basij volunteer force.

 

Salin:Sarah

Pulido:Lito