Kooperasyon ng Tsina at Algeria, isusulong pa

2022-12-11 12:04:48  CMG
Share with:


 


Sa kanyang pakikipagtagpo Disyembre 9,2022, sa Saudi Arabia, kay Punong Ministrong Ayman Benabderrahmane ng Algeria, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na mabungang resulta ang natamo ng tradisyonal na pagkakaibigan at aktuwal na kooperasyon ng Tsina at Algeria, matatag na sinusuportahan ng Tsina ang Algeria na pangalagaan ang soberanya, pagsasarili ng bansa at kabuuan ng teritorya, kinakatigan ang Algeria na hanapin ang landas ng pag-unlad na angkop sa kalagayang pang-estado nito, at tutulan ang pakiki-alam ng mga puwersang panlabas sa mga suliraning panloob ng Algeria.

 

Pinasalamatan ni Xi ang ibinibigay na suporta ng Algeria sa mga isyung may kinalaman sa nukleong kapakanan ng Tsina.

 

Ani Xi, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Algeria, para pasulungin ang pagtatamo ng bagong progreso ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.

 

Ipinaabot din ni Pangulong Xi ang pagbati sa panunungkulan ng Algeria bilang tagapangulong bansa ng League of Arab States (LAS). Nakahanda aniya ang Tsina na magsisikap, kasama ng Algeria, para likhain ang bagong prospek ng relasyon ng Tsina at mga bansang Arabe, palakasin ang kooperasyon ng dalawang panig sa ilalim ng balangkas ng Porum na Pangkooperasyon ng Tsina at Aprika.

 

Samanatala, pinasalamatan ni Benabderrahmane ang mahalagang suporta ng Tsina sa kanyang bansa, na kinabibilangan ng pagkakaloob ng bakuna ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at iba pa.

 

Sinabi niyang ang Tsina at Algeria ay mayroong komong palagay sa maraming pandaigdigang isyu. Patuloy na nananangan ang Algeria sa prinsipyong isang Tsina.

 

Aniya, umaasa ang Algeria na lalo pang palalakasin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa imprastruktura at iba pang larangan, at pasusulungin pa ang relasyon ng Tsina at Arabe, at relasyon ng Tsina at Aprika.


Salin:Sarah

Pulido:Lito