Ani ng pagkaing-butil ng Tsina sa 2022, mahigit 686.5 milyong tonelada

2022-12-12 17:28:47  CMG
Share with:

Ayon sa Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina (NBS),  na inilabas Disyembre 12, 2022, umabot sa mahigit 686.5 milyong tonelada ang kabuuang output ng pagkaing-butil ng bansa sa taong 2022, at ito’y lumaki ng 0.5% o 3.68 milyong tonelada kumpara noong 2021.

 

Ito rin ang ika-8 taong singkad na nanatiling 650 milyong tonelada pataas ang kabuuang output ng pagkaing-butil ng Tsina, anang kawanihan.

 

Samantala, ang kabuuang saklaw ng taniman ng pagkaing-butil sa bansa ngayong taon ay nasa mahigit 118.3 milyong ektarya, na mas malaki ng 0.6% o 701 libong ektarya kumpara noong 2021.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Wang Guirong, opisyal ng Departmentong Rural ng NBS, na sa kabila ng patuloy na tagtuyot at mataas na temperatura sa dakong timog ng Tsina ngayong taon, mabilisang naglaan ng pangkagipitang pondo ang sentral na pamahalaan para tulungan ang mga apektadong lugar upang mapalakas ang pangangasiwa sa mga taniman at paliitin ang negatibong epektong dulot ng naturang mga kalamidad.

 

Napakahalaga aniya ng nasabing hakbangin tungo sa pagkakaroon ng masaganang anihan sa taong 2022.

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio/Jade