Adopsyon ng 'post-2020 biodiversity framework,' patuloy na isusulong ng Tsina

2022-12-19 16:33:44  CMG
Share with:


Natapos, Disyembre 17, 2022, sa Montreal, Kanada, ang Pulong sa Mataas na Antas ng Ikalawang Yugto ng Ika-15 Conference of the Parties (COP15) to the United Nations Convention on Biological Diversity (UNCBD).

 

Kaugnay nito, sinabi ni Huang Runqiu, Pangulo ng COP15 at Ministro ng Ekolohiya at Kapaligiran ng Tsina, na ang pulong ay gumanap ng napakahalagang papel sa pagpopromote ng proseso ng negosyasyon ng COP15.

 

Patuloy na gaganap ng mahalagang papel ang Tsina sa panahon ng panunungkulan nito bilang pangulo ng COP15, tungo sa pagtatayo ng sinerhiya ng lahat may-kinalamang panig, isara ang mga puwang at magtayo ng konsenso upang maabot ang isang ambisyoso, realistiko, at balanseng framework na inaasahan ng komunidad ng daigdig, ani Huang.

 


Sinabi pa niyang ibinigay ng 190 kinatawan ang aktibong ambag para sa pagpapaunlad ng post-2020 global biodiversity framework.

 

Ipinahayag nila ang malakas na mithiing pulitikal tungo sa adopsyon at pagsasakatuparan ng framework na ito, aniya pa. 


Salin:Sarah

Pulido:Rhio

May Kinalamang Babasahin