Ipininid Disyembre 17 (local time), 2022, sa Montreal, Canada, ang negosasyon sa antas ministeriyal ng Ika-2 Yugto ng Ika-15 Pulong ng Conference of the Parties to the UN Convention on Biological Diversity o COP15.
Nangulo sa seremonya ng pagpipinid si Huang Runqiu, Presidente ng COP15 at Ministro ng Ekolohiya at Kapaligiran ng Tsina.
Inaasahan ng mga kalahok na mararating ang “post-2020 global biodiversity framework” sa susunod na Lunes nang matapos ang pulong .
Ipinahayag ni Huang na mabisa at malaking bunga ang natamo ng nasabing 2 araw na pulong na ministeryal.
Aniya, ang binigkas na talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas para sa pagpapasulong ng biodibersidad ng buong daigdig ay nagkaloob ng malakas na puwersang pulitikal sa usaping ito.
Editor: Lito