Sa kanyang pakikipagtagpo sa Beijing Disyembre 23, 2022 kay John Lee, Punong Ehekutibo ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR), ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na lubos na kinumpirma ng pamahalaang sentral ang mga gawain ni John Lee at pamahalaan ng HKSAR.
Diin ni Xi, ang “Isang Bansa, Dalawang Sistema” ay dakilang inobasyon ng sosyalismong may katangiang Tsino. Ito aniya ay pinakamabuting institusyonal na pagsasaayos upang mapanatili ang pangmatagalang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong at Macao matapos ang kanilang pagbalik sa inangbayan.
Komprehensibo at buong tatag na isasagawa ng pamahalaang sentral ang patakarang “Isang Bansa, Dalawang Sistema,” puspusang susuportahan ang punong ehekutibo at pamahalaan ng HKSAR sa pangangasiwa alinsunod sa batas, at buong sikap na susuportahan ang pagpapatingkad ng Hong Kong ng sariling espesyal na bentahe para makapagbigay ng mas malaki at bagong ambag sa prosesong historikal ng dakilang pag-ahon ng Nasyong Tsino, diin pa ni Xi.
Editor: Lito