Pag-iisyu ng pasaporte’t visa, panunumbalikin ng Tsina para sa mga residente ng mainland

2022-12-28 16:17:05  CMG
Share with:

 

Travelers are seen in Beijing Daxing International Airport in Beijing, China, December 8, 2022. /CFP


Inanunsyo, Disyembre 27, 2022, ng Pambansang Administrasyon ng Imigrasyon ng Tsina (NIA) na panunumbalikin mula Enero 8, 2023 ang pagtanggap at eksaminasyon ng mga aplikasyon ng mga mamamayang Tsino para sa ordinaryong passporte para sa turismo, pagbisita sa ibayong dagat.

 

Dagdag nito, kasama ring panunumbalikin ang pag-iisyu ng visa sa mga residente ng Chinese mainland upang makabisita’t makapag-negosyo sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).

 

Ang naturang mga kapasiyahan ay bahagi ng mga hakbangin upang pabutihin ang mga patakaran at hakbangin ng imigrasyon, saad ng NIA.

  

Salin:Sarah

Pulido:Rhio