Binago kamakailan ng pamahalaang Tsino ang tawag sa novel coronavirus pneumonia, bilang novel coronavirus infection.
Kasabay nito, mula Enero 8, 2023, pabababain din ang responde laban sa COVID-19 mula Class-A infectious diseases tungo sa Class-B infectious diseases.
Mula sa nasabing petsa, hindi na isasagawa ang kuwarentenas sa mga mahahawahan ng coronavirus, hindi na uuriin ang mga close contact, hindi na isasagawa ang pagso-sona sa mga lugar, at hindi na rin ikukuwarentenas ang mga tao’t paninindang papasok sa Tsina.
Ang mga hakbang na ito ay ibayo pang magpapabuti at magsasa-ayos sa mga polisiya laban sa pandemiya, habang sumusunod sa alituntuning “pagpapauna sa buhay ng mga mamamayan.”
Ang pagpapababa sa Class-B ng responde sa COVID-19 ay hindi nangangahulugang pagkansela ng pangangasiwa laban sa pandemiya.
Sa halip, ito’y isang pagsasa-ayos ng pokus, upang maigarantiya ang kalusugan ng mga mamamayan para mabawasan sa pinakamalaking digri ang epekto ng COVID-19 sa pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan.
Inilabas kamakailan ng Morgan Stanley ang 2023 Global Macro Outlook: Inflation Peaks, Growth Slows.
Ayon dito, sa susunod na taon, mahina sa kabuuan ang paglago ng kabuhayang pandaigdig, pero magiging pinaka-optimistiko ang kabuhayan ng Asya, at mamumuno sa pag-unlad ng Asya ang Tsina at Indiya.
Kasabay ng pag-optimisa ng Tsina sa mga hakbangin laban sa pandemiya, inaasahang magkakaroon ng kondisyon ang bansa para pangalagaan sa pinakamalaking digri ang buhay at kalusugan ng mga mamamayan, at pasulungin ang mabilis na pagpapanumbalik ng kaayusan ng kabuhayan at lipunan.
Ito’y magandang balita para sa kabuhayang pandaigdig na nasasadlak sa matumal na kalagayan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio