Inilabas ng China Media Group (CMG) ang sampung pinakamahalagang balitang domestiko sa taong 2022:
Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), matagumpay na ginanap; bagong biyahe ng komprehensibong pagtatatag ng sosyalistang modernong bansa, sinimulan; Xi Jinping, muling inihalal bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC
Kabuuang bolyum ng kabuhayang Tsino sa 2022, tinayang lalampas sa 120 trilyong yuan; kabuhayang Tsino, malakas na lakas-panulak pa rin sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig
Polisiya sa pagpigil at pagkontrol sa COVID-19, walang humpay na isinaayos at pinabuti ng pamahalaang Tsino; pagkontrol sa pandemiya at pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan, kinokoordinahan ng bansa
Output ng pagkaing-butil ng Tsina sa 2022, pinakamataas sa kasaysayan; 650 bilyong kilogram pataas na output, pinanatili ng bansa nitong nagdaang 8 taong singkad
“Isang Bansa, Dalawang Sistema,” matatag at pangmalayuang ipinapatupad nitong nakalipas na 25 taon sapul nang bumalik ang Hong Kong sa inang bayan
Kasamang Jiang Zemin, pumanaw sa edad na 96
Space Station ng Tsina, komprehensibong naitayo; tatlong hakbang sa manned space project ng bansa, natapos
Beijing 2022 Olympic at Paralympic Winter Games, kasiya-siyang idinaos; pinakamagandang resulta sa kasaysayan, natamo ng delegasyong Tsino
Baihetan hydropower station, komprehensibong naisaoperasyon; pinakamalaking koridor ng malinis na enerhiya sa daigdig, nabuo
Nancy Pelosi, bumisita sa Taiwan; magkasanib na aksyong militar bilang ganting hakbangin, inilunsad ng People’s Liberation Army (PLA) ng Tsina
Salin: Vera
Pulido: Frank