Top 10 balitang pangkabuhayan’t pangkalakalan ng Tsina sa 2022, pinili ng China Media Group

2022-12-27 17:12:49  CMG
Share with:

Inilabas Disyembre 26, 2022 ng China Media Group (CMG) ang sampung piling pinakaimpluwensyal na balitang pangkabuhayan’t pangkalakalan sa Tsina sa taong 2022.


1. Sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC na idinaos noong Oktubre, inanunsyo ng Tsina ang pagsisimula ng bagong biyahe tungo sa pagtatatag ng modernong sosyalistang bansa sa lahat ng larangan.


2. Dahil sa pagsasa-ayos ng Tsina sa mga hakbang sa pagkontrol ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) upang luminya sa kaunlarang pangkabuhayan, posibleng umabot sa higit sa 120 trilyong yuan RMB (halos $US17.23 trilyong dolyar) ang ekonomikong output ng bansa sa 2022.


3. Naakit ng 2022 Beijing Winter Olympics ang daan-daang milyong manonood, na nagresulta sa mabilis na pag-unlad ng industriya ng palakasan ng yelo’t niyebe sa Tsina.

 

4. Sa loob ng 8 taong singkad, nanatiling nasa 650 bilyong kilogramo ang kabuuang output ng pagkaing-butil ng Tsina, na naggarantiya sa seguridad ng pagkaing-butil para sa mga mamamayan.

 

5. Lumikha ng bagong rekord sa kasaysayan ang output ng uling ng Tsina sa 2022. Samantala, ang output ng krudo ng bansa ay tinatayang lampas sa 200 milyong tonelada. Bukod pa riyan, ang mabilis na paglaki ng instaladong renewable generation capacity ng Tsina ay nagbigay ng malakas na suporta sa kaunlarang pangkabuhayan’t panlipunan ng bansa.

 

6. Ang matatag na paglaki ng kalakalang panlabas ng Tsina ay nagbibigay suporta sa pagbawi ng kabuhayan ng bansa.


7. Matagumpay na nakumpleto ng Tsina ang konstruksyon ng istasyong pangkalawakan. Naideliber sa mga kostumer na airline ang C919, unang malaking pampasaherong eroplano na sariling idinisenyo at yari ng Tsina.


8. Isinaoperasyon, Disyembre 20, 2022 ang Baihetan Hydropower Station, sa probinsyang Sichuan, dakong timog ng Tsina. Bilang ikalawang pinakamalaking hydropower station sa daigdig, malaking ambag ito sa luntiang kaunlaran at target na “carbon neutrality” ng bansa. Ito’y simbolo rin ng pagkumpleto ng pinakamalaking clean energy corridor sa daigdig, na binubuo ng anim na mega hydropower station sa Yangtze River. Idinurugtong nito ang dakong kanluran ng Tsina, kung saan masagana ang yamang-likas at dakong silangan ng Tsina kung saan malaki ang kunsumo ng enerhiya.

 

9. Nakumpleto ng Tsina ang pagtatayo ng unipikadong platapormang pambansa para sa mga impormasyon ng segurong medikal na sumasaklaw sa 1.4 bilyong mamamayan.

 

10. Itinayo ng Tsina ang pinakamalaking network ng mobile broadband at fiber optic sa daigdig.


Salin: Kulas

Pulido: Rhio