101, bagong domestikong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland

2022-01-03 14:55:19  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, Enero 2, 2022, 161 ang bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.

 

Sa mga ito, 60 ang galing sa labas ng bansa, at 101 ang domestiko.

 

Kabilang sa mga domestikong kaso, 92 ang naiulat sa lalawigang Shaanxi sa kanluran ng bansa, na kinabibilangan ng 90 kaso sa Xi’an, punong lunsod ng lalawigang ito. Samantala, 9 naman ang naiulat sa Ningbo, lunsod sa lalawigang Zhejiang sa timog silangan ng Tsina.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method