Nagpalitan nitong Martes, Enero 4, 2022 ng mensahe sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Volodymyr Zelensky ng Ukraine, bilang pagbati sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Diin ni Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng estratehikong partnership ng Tsina at Ukraine, at nakahandang magsikap, kasama ni Pangulong Zelensky, para mapasulong ang pagtamo ng relasyong Sino-Ukrainian at kooperasyon ng kapuwa panig sa iba’t ibang larangan ng mas maraming bunga, at ihatid ang benepisyo sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.
Saad naman ni Zelensky, lipos ng kompiyansa ang panig Ukrianian sa malawakang prospek ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa.
Nakahanda aniya siyang tuluy-tuloy na palalimin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, palakasin ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan, at pasulungin ang pag-unlad ng estratehikong partnership ng magkabilang panig.
Salin: Vera
Pulido: Mac