Magkakasamang inilabas nitong Enero 3, 2022, ng mga lider ng 5 bansa na may sandatang nuklear, na kinabibilangan ng Tsina, Rusya, Amerika, Britanya at Pranya, ang magkasanib na pahayag sa pagpigil ng digmaang nuklear at pagbabawas ng arms race.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Ma Zhaoxu, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na ito ang kauna-unahang pahayag na inilabas ng mga lider ng naturang 5 bansa hinggil sa isyu ng sandatang nuklear.
Ani Ma, lubos na ipinakita nito ang mithiing pulitikal ng limang bansa upang pigilan ang digmaang nuklear, at ipinadala ang nagkakaisang boses na sumusuporta sa pangangalaga sa estratehikong katatagan ng mundo, at pagbabawas ng panganib ng alitang nuklear.
Bukod dito, binigyan-diin ni Ma na palagiang iginigiit ng Tsina ang estratehiyang nuklear ng pagtatanggol sa sarili, at nananangan ang Tsina sa patakaran ng hindi unang paggamit ng sandatang nuklear. Ito ang mahalagang ambag na ibinibigay ng Tsina sa estratehikong katatagan ng buong mundo, saad ni Ma.
Aniya, sa hinaharap, patuloy na ibibigay ng Tsina ang ambag para sa pagpapasulong ng pandaigdigang pagsasaayos ng larangang nuklear, at nakahanda ang Tsina na makikipagkooperasyon sa lahat ng bansa na nais ang kapayapaan.
Salin:Sarah
Pulido:Mac