Ipinagdiinan nitong Lunes, Nobyembre 29, 2021 ni Wang Qun, Pirmihang Sugo ng Tsina sa United Nations (UN) at iba pang organisasyong pandaigdig sa Vienna, na ang diyalogo at negosasyon ay siyang tanging tumpak na landas para sa pagresolba sa isyung nuklear ng Iran, at dapat alisin ng Amerika ang lahat ng mga sangsyon laban sa Iran at mga ikatlong panig na kinabibilangan ng Tsina.
Winika ito ni Wang sa bagong round ng talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran na ginanap sa Vienna nang araw ring iyon.
Diin ni Wang, sa mula’t mula pa’y nagpupunyagi ang Tsina para mapangalagaan ang Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA), at mapasulong ang pagsisimulang muli ng talastasan hinggil sa pagpapanumbalik ng Amerika at Iran sa pagpapatupad ng JCPOA. Samantala, isinagawa ng panig Tsino ang madalas na pakikipag-ugnayan at pakikipagkoordinahan sa Rusya, Iran, Britanya, Pransya, Alemanya, Amerika, Unyong Eueopeo at iba pang may kinalamang panig, upang mapasulong ang pagbalik ng talastasan sa lalong madaling panahon at pagtamo ng progreso.
Patuloy na ipapatupad ng Tsina ang tunay na multilateralismo, lalahukan ang talastasan sa susunod na yugto, batay sa konstruktibong pakikitungo, at magsisikap, kasama ng lahat ng mga panig, para mapasulong ang pagtamo ng kasalukuyang talastasan ng bunga, dagdag niya.
Salin: Vera
Pulido: Mac