Relasyon ng Tsina at Nicaragua, pasusulungin ng kapuwa panig para ihatid ang benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan

2022-01-05 15:52:01  CMG
Share with:

Sa seremonya ng muling pagbubukas ng Embahada ng Tsina sa Nicaragua nitong Disyembre 31, 2021, inihayag ni Ministrong Panlabas Denis Moncada ng Nicaragua ang pagsalubong sa panig Tsino.

Relasyon ng Tsina at Nicaragua, pasusulungin ng kapuwa panig para ihatid ang benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan_fororder_20220105Nicaragua

Nananalig aniya siyang magtatagumpay ang turingang magkapatid ng dalawang bansa.
 

Pinasalamatan din niya ang donasyong 1 milyong dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na ibinigay ng panig Tsino sa Nicaragua.
 

Tungkol dito, sinabi kahapon, Enero 4, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na kahit wala pang isang buwan pagkatapos ng pagpapanumbalik ng dalawang bansa ng relasyong diplomatiko, mabilis na umaksyon ang kapuwa panig, at natamo ang mabungang-mabunga at maagang anihan.
 

Saad ni Wang, mabilis na sumulong ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa, at malawak ang prospek.
 

Palalalimin aniya ng Tsina ang pagtitiwalaan nila ng Nicaragua, palalawakin ang kooperasyon, at pasusulungin ang matatag at pangmalayuang pag-unlad ng relasyong Sino-Nicaraguan, para ihatid ang benepisyo sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method