Pagpapanumbalik ng Nicaragua ng relasyong diplomatiko sa Tsina, sumunod sa agos ng panahon at mithiin ng mga mamamayan

2021-12-10 16:26:33  CMG
Share with:

Pagpapanumbalik ng Nicaragua ng relasyong diplomatiko sa Tsina, sumunod sa agos ng panahon at mithiin ng mga mamamayan_fororder_20211210Nicaragua

Kaugnay ng pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Nicaragua, tinukoy ngayong araw, Disyembre 10, 2021 ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na kinikilala at nangangakong susunod sa patakarang isang Tsina ang pamahalaan ng Nicaragua, at pinutol nito ang umano’y “relasyong diplomatiko” sa Taiwan. Nangangako rin itong hindi magsagawa ng anumang relasyon at ugnayang opisyal sa Taiwan.
 

Ito aniya ay tumpak na pagpiling sumunod sa agos ng panahon at mithiin ng mga mamamayan, at lubos na hinahangaan ito ng panig Tsino.
 

Diin ng tagapagsalitang Tsino, iisa lang ang Tsina sa daigdig, ang pamahalaan ng Republika ng Bayan ng Tsina ay ang siyang tanging lehitimong pamahalaan ng Tsina, at ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi lamang ng Tsina. Ito ay katotohanang historikal at pambatas, at norma ng relasyong pandaigdig na kinikilala ng publiko.
 

Batay sa limang simulain ng mapayapang pakikipamuhayan, nakahanda ang panig Tsino na palakasin ang mapagkaibigang kooperasyon sa Nicaragua sa iba’t ibang larangan, at ihatid ang benepisyo sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method