Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, nitong Enero 5, 2022, 189 ang bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.
Sa mga ito, 57 ay galing sa labas ng bansa, at 132 ay domestiko.
Bukod dito, 2 ang bagong pinaghihinalaang kaso na galing sa labas ng bansa.
Hanggang maghahati-gabi ng Enero 5, 2022, 3,282 ang umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, at 4,636 ang mga pumanaw.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio